- Get link
- Other Apps
- Get link
- Other Apps
Ipinagdiriwang ngayong Agosto ang Buwan ng Wika bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel L. Quezon, dating pangulo ng Pilipinas at tinguriang Ama ng Wikang Pambansa. Sa ilalim ng pamahalaang Quezon, naideklara ang pagkakaroon ng pambansang wika.
Marahil iniisip nating bihasa na tayo sa pananalita gamit
ang ating sariling wika. Araw-araw ay ginagamit natin ang wikang Filipino sa
pakikipag-usap sa ating mga kaibigan, kapamilya, katrabaho, at sa kahit sino
mang makakahalubilo. Ngunit, nakasisigurado
nga ba tayong wasto ang mga salitang gamit natin sa pakikipag-usap at pagsusulat?
Narito ang ilang mga salita na madalas
nating gamitin at ang tamang paggamit sa mga ito:
1.
NANG/ NG
“NG” (of)- ginagamit
kapag ang sumunod na salita ay pangngalan (noun)
“NANG” – ginagamit naman kapag ang mga
kasunod na salita ay pang-abay (adverb); maaari ring gamitin kung ang kasunod
ay tumutukoy sa bunga
Halimbawa:
·
May
dalawang linya NG tren (LRT 2 at MRT) na
matatagpuan sa Araneta Center.
·
Pabukas
pa lang ang Gateway Mall NANG dumating siya.
·
Huwag
kang sumugod sa ulan NANG hindi ka magkasakit.
2.
DAW/ RAW at DIN/ RIN
“DAW”/ “DIN” – ginagamit kung ang salitang
sinusundan nito ay nagtatapos sa katinig (consonant letters)
“RAW”/ “RIN” – ginagamit naman kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa patinig (vowel letters) o mga letrang malapatinig (w at y)
Halimbawa:
·
Dapat
DAW patayin o ilagay sa “Silent Mode” ang cellphone kapag nasa loob ng sinehan.
Bawal DIN daw makipag-usap sa katabi kapag nagsimula na ang pelikula.
·
Linggo-linggo
RAW namamalengke sa Farmers Market ang kanyang nanay. Dito RIN daw namimili ang
kanilang kapitbahay dahil sariwa ang mga paninda.
3.
DAHIL SA/ DAHILAN
“DAHIL” – ginagamit
bilang pangatnig na pananhi
“DAHILAN” - ginagamit naman bilang pangngalan
Halimbawa:
·
Maraming
tao ngayon sa mga mall ng Araneta Center DAHIL sa Rainy Day Sale.
·
Ang
pagkain nang marami ang DAHILAN ng pagsakit ng tiyan niya.
4.
PINTO/ PINTUAN
“PINTO” (door) – bagay
na inilalapat sa isang lagusan para maisara o hindi mapasukan
“PINTUAN” (doorway) –
kinalalagyan
ng pinto; pasukan o lagusan
Halimbawa:
·
Nakadikit
sa PINTO ng kanyang kuwarto ang mga poster ng paborito niyang banda.
·
May
nakaipit pala sa PINTUAN kaya hindi masara ang pinto.
5.
HAGDAN/ HAGDANAN
“HAGDAN” (stairs) – mga baytang na inaakyatan o binababaan
“HAGDANAN” (stairways) – bahaging kinalalagyan ng hagdan
Halimbawa:
·
Muntik na siyang madulas dahil sa tubig na
natapon sa may HAGDAN.
·
Nasa
tabi ng kanyang kuwarto ang HAGDANAN papunta sa ikatlong palapag.
- Get link
- Other Apps
Comments
Post a Comment